Almost 37 weeks na si Baby Carl sa aking Belly Tummy. I do know he is ready to pop-out anytime soon… pero teka ready na nga ba si Mommy? Waaaa… Ewan parang kinakabahan akong naeexcite… Parabagang ung feeling na kukuha ka ng Bored Exam for the first time. Hirap i-explain e.
And tindi nga, dito pa ako sa work ngaun. Sa kabila ng katamaran, antok, sakit sa legs, bigat ng tyan at kung ano-ano pa nakukuha ko paring tumayo ng madaling araw, magluto para sa baon ng aking erpat at ng aking mahal (pwera ako, dahil ayaw ko ang luto ko, promise).
Pero hala ka, pagdating ko galing sa work para akong binagsakan ng 10 sako ng bigas. Bumibigay ang katawan ko pag dating ng hapon. Nagmamanhid na talaga. Minsan tubig at juice nalang ang pantapat ko sa pagod, pero kelangan talaga malamig yan para ma preskuhan ako.
Ayokong madaliin ang paglabas ni Baby Carl, gusto kopang namnamin ang bawat galaw at sinok sya. Pero parang mas masaya kung nayayakap ko na sya at nahahalik halikan diba po? Waaaaa.. kaloka!
Note: Picture Nenok sa Google


