Tangengot
Inaamin ko dati pa akong isang tangengot sa mga klase ng mga doctor sa ating kapaligiran. Hindi ko alam ang difference ng Optalmologist sa gynecologist, at kung ano-ano payan pero proud ako na alam ko ang Dentist (hehe! Pakisapok nalang ako pag nagkita tayo!) Hindi ko sila alam kasi ala naman akong pakialam sa kanila.
Sa totoo lang kung hindi lang ako nagpunta ng America hindi ako ma e-excecutive check-up. Tapos kung dipa ako nabuntis walang check-up check-up na mangyayari sa OB. Oh edi ngayon alam ko na ang difference ng Ob/Gyn at Pediatrician… Kasi dun nman ang check-up ni Baby monthly… haha olats…
Marahil sa madali eh tinulugan ko ang teacher ko dati sa subject na mga ganyan kaya kung sakaling nasama ako sa pera o bayong olats ako sa mga tanong na scientific eklavu nila.
Bakit naman kasi pahirapan pa sa pangalan eno! Eh kung pinanganak sana akong gifted child edi talo-talo na! Eh kung nagkaganon na gifted ako edi sana iniinglis ko kayo ngaun o kaya e Spanish o basta ibang language. Gifted nga e kaya dapat maraming language na alam. Hehe.
Naulan na nman, marahil nagkawatak-watak na nman ang katinuan ng aking isip kaya ganyan ang entry ko ngaun. Sa totoo lang sinearch kopa sa google ang tamang spelling ng (Ob/Gyn) o-bi-gay-ni. Ang hirap kaya…
Binyag na ni Baby Carl next month; gusto koman kayong imbitahan lahat paniguradong di nman pwede dahil napakalayo nyo naman. Dyahe kung dadayo pa kayo dito sa amin saying ang pamasahe, mahal na ang gas. Kaya wag na tayong magpahirapan pa, tumatanggap naman ako ng gift o cash pwede nayun… understanding naman kami ni Baby eh! hahah… Message nyo lang ako kung kelangan nyo ng mailing address ko o kaya Paypal… bwahhaha… joke lang yun ah pero pwede ring hindi joke un.
Anyways-hiways dito nalang muna ne. Siningit kolang ito. Medyo busy eh! Ayaw ko namang amagin ang site na ito. Sayang ang yearly payment. Bwhehe…
Carls Update: